MonJ gives infinite regard to his Life and his Dream... and the womb who brought them


Sunday, May 18, 2008
whaddayathink?

may madalas ako kakuwentuhan ngayon...
chekwa..
pero matatas sa ingles...kaya madali kausap.
matalino...malalim.
Buhddist....kaya kung mag-isip, panatag.

minsan, sinamahan ako sa paninigarilyo ko....
wentu-wento lang...walang wenta....
nang biglang...
WHAT DOES THE WORD "TIRED" MEAN?
nakaka-bigla....hindi gulat....bigla lang...kasi out of nowhere yung tanong.
so...pinatulan ko....
sabi ko (pabiro) "that's hard to define...that would be dependent on who is saying i'm tired"
"imagine a basketball player...who gasps for breath as they rally at the last two minutes...
if the coach asks him....are you tired? can you still handle your game?"
siyempre sagot dun..."no coach...I ain't tired yet...I can finish this".
pero tanungin mo ang isang office boy...meeting sa umaga....delegate ng trabaho sa bago mananghali...
monitor ng progress ng mga gawain....nakaupo lang maghapon sa harap ng PC...
pero pagdating ng 6pm...7pm...8pm...
hindi mo na makausap...kasi daw, "pagod" na...

kaya tama din ang sabi ng kaibigian kong "puno ng talinhaga" pero simpleng katotohanan...
"TIRED is a temporary state of mind..where a person wants to take a breather from what he is doing or having"

tama nga naman..unang-una, temporary lang ang pagod..dahil kapag nakapamahinga ka na, hindi ka na pagod...at kapag pagod ka na, hindi ibig sabihin, ayaw mo na ng ginagawa mo o ng kinatatayuan mo....gusto mo lang huminga-hinga ng kaunti...

Whaddayasay?

Eto pa...yung isa ko naman dating kasama...pupunta daw ng ibang bansa...somewhere in Asia...
kasi daw, kailangan niya kumita...dahil may pinakakautangan na dapat mabayaran...dahil kailangan mapa-aral sa mainam sa eskwelahan ang mga anak...at kung maaari, eh makapagpagawa ng matinu-tinong bahay.
GOOD IDEA.
kaya lang, hindi ko maintindihan...bakit kailangan mangibang bansa???Dahil lahat ng pinoy nag-a-alisan na???
kung tutuusin...sarap ng buhay niya rito....isa siyang bisor sa isang di-kalakihang kumpanya, pero nakadikit sa malalaking kliyente ang amo niya.
dahil sa teknolohiya, hindi naman niya kailangan na alas-otso eh nasa opisina...sa katunayan, 11am or 12nn na siya nakararating sa opisina niya...at nakakaalis naman siya ng 6pm...o kahit na 5pm, kung gugustuhin niya.
halos dalawa o tatlong beses sa isang linggo, nakakalabas sila ng mga kaibigan niya...at hindi pipitsugin ang pasyalan huh??? ang katwiran : "hindi ba ako pwedeng magsaya?"
kinabukasan...ganun na naman...makakapasok tanghali na...at hindi siya hinahanapan sa opisina dahil nagagawa naman niya ang trabaho niya...saan ka hahanap, di ba?
sa suweldo, palagay ko hindi man malaki, eh hindi naman pipitsugin...
yun nga eh...nagbabayad daw siya ng utang dahil sa ginastos niya sa asawang pagkarating sa ibang bansa eh ayaw na daw sa kanya...
hindi ko ma-gets...ano ang hahabulin niya sa ibang bansa???
siya lang makakasagot niyan...
kung anuman..dahil kaibigan...kasama niya ang wishes ko ng katuparan ng anumang gusto niya.

ako?
napapagod...pero gabi-gabi ay napapahinga din...kaya lumalakas ulit kinabukasan.
abroad? matagal nang maraming nag-a-alok sa akin niyan...pero hindi ko pinapatulan...
sa tingin ko may pag-asa pa ang pinas...

at kung uusad ang bayan natin..parang gusto kong kasama ako sa nakapag-tulak nito.

Whaddayasay???Shades

Posted at 21:33 by MonJ
Comment (1)  




Monday, April 28, 2008
wreckage

First day...
introductory...
then a pile of documents to review

Second day...
the same pile of docs...
a few minutes with the staff...
then war room at client's office

Third day...
exec from regional office needs info for his meeting with client...
...war room in the office...
brainstorming for the regional exec's bullet presentation....
he meets with client...gets new directions for the project...
back to the office war room...to evaluate client's concerns...

Fourth day...
happens to be a Friday...
should be the lightest day of the week...
...but, last night's war room session
dictates a lot of preparations...
revisions for the planned programs...
review of available resources...
review of current network...

this is supposed to be a high paying new job.
yes it is.
i expected thrice the pressure...
....i overshoot, it is actually 5 or 10 times
the usual urgency of results, and delivery pressure.

did i want a high paying job?
uh, I remember...
this was what i have always wanted to get...
;-)

Posted at 23:09 by MonJ
Make a comment  




Monday, April 21, 2008
Mano Po

Mader,

Mano po.

Rest ka muna...kami na lang magto-tong-its...saka di ka naman nauupo sa mahjong.
Pag may kailangan ka diyan (which I doubt, really)...pasabi ka lang...kahit pasigaw.

Rest...
At least, di mo na kailangan ang meds ngayon....
Kwentuhan mo ako kung masarap pagkain diyan, huh????

Bye.
Rest na....

Posted at 23:48 by MonJ
Make a comment  




Wednesday, April 16, 2008
cool boss

been a few days now...

i am actually being eaten up by anxiety.
how do I start the coming week?  how would I be looked upon by people?

the bottom line question was . . ."can I actually deliver?"

How blessed can I get??? I came across one of my superiors, JHB, as I was coming back to my seat after grabbing a up of coffee...he asked me how I was doing (maybe he noticed something on how I was acting)....so I candidly, but truthfully told him how exactly I felt at the moment..never did I realize that he was one of the coolest bosses one can ever have.

He shared with me his thougts... taken mainly from his vault of gathered wisdom gained from years of experience... he even gave encouraging tips on how i should be lookng at things.

Thanks, boss!

Cool.
;-)

Posted at 22:52 by MonJ
Make a comment  




Monday, April 14, 2008
Champ

Last Friday, I came across one of our former champs, Luisito Espinosa.
Former Boxing hero.
He was with a woman and a child...could be his family.
The woman was asking him if they should get off the train...He can't seem to recognize where they are.

So, I said, "yes, that's the mall you are looking for".

Luisito just smiled, and his thankful gesture looked like we were old acquaintances, even friends.

So, I tried to start a conversation..."naka-uwi ka din pala...".

"Oh yeah...pero babalik na ako sa states sa Friday"

"Mas okay ka ba dun?"...

"Oo eh....sige bro...una na kami..."

And they run towards the exit.....

I didn't even had the chance to ask for a picture....though I had my phone in my hands.

Then I thought....after long hours of practicing...fighting...slugging it out....this guy's still in his senses....

kahit alam naman natin na may nagpahirap sa kanya...like, disability, bad management, lack of support...he still managed to emerge as a good person...with a good outlook.
He knows where he should spend his life, earning a living...maybe for his kids...or extended family (alam naman natin ang pinoy...)

simple lang yung tao.

pero oozing sa personality niya yung tatag. pinatatag ng boxing, malamang.

mainam siguro yun ang matutunan natin....ang pagiging matatag.

sunod kayo, ha?  susubukan ko....

tapos, ikukwento ko sa inyo kung madali ba o mahirap magpakatatag.

Posted at 15:24 by MonJ
Make a comment  




Wednesday, April 09, 2008
Oops! I want to do it Again....

a year and a half ago... I wrote my very first entry....(see next page)...

Ngayon, gusto kong ulitin.
kasi ang hirap talaga pag-usapan yang "truth" na yan....
bago malaspag ng mga alipores ni Lozada yang term na yan...I'd like to throw in a few more of "my two-cents worth"....

Kung gusto mong tumulong sa kapwa...kailangan bang manumbat?
Kung gusto mong makita ng mga tao na tumutulong ka, kailangan mo bang sumigaw?
kung bumubuo ka ng larawan ng "isang matulunging ikaw"....kaya mo bang magsabi ng totoo?

Kung iisang panig pa lang ng nagtutunggaling koponan ang naririnig mo...maaamin mo ba ang katotohanan na wala ka pang karapatang maghain ng katarungan?

Kung sa pagsunod mo sa mga nanunungkulang pinaglilingkuran mo, ay kailangang palabasin na mayroon kang isang siguradong formula...kailangan mo bang gumawa ng kuwento na kakalahati ang katotohanan?

----sabi mo ito ang pinakamabuti at makatotohanang magagawa para sa bayan...TAMA! pero bakit hindi mo ma-amin na ito rin ang makapagbibigay sa iyo ng mas maraming pagkain para sa iyong sariling tahanan? DI ba? kung kakalahati lang ng katotohanan ang ipamumukha mo sa mga tao...mas masahol pa yun sa pagsisinungaling?

----sabi mo eto ang napakasarap na gatas...TAMA!!! kahit nga naman sino ang tumikim...iisa ang malalasahan : ang isang napakalinamnam na gatas. Pero, bakit di mo maipagmalaki na ang gatas ng iyong ini-alok ay GATAS NG ASO ? ? ? Di ba??? Dahil kakalahati ng katotohanan ang ipinahayag mo...masahol ka pa sa pitong sinungaling dahil walang nakaka-alam ng iyong maitim  na gawain???

----sabi mo, "tingnan mo na nga yan...ang mama na ang nagsabi....niloloko tayo ng mga dayuhan!!!"....TAMA ! ! ! yun nga ang sabi nung mamang mataba...pero bakit gumawa ka ng kuwento na ang mamang iyon ay sang-ayon SA LAHAT ng sinasabi mo??? bakit di mo ma-amin na yung sinasabi niyang "manlolokong dayuhan" ay KABILANG KA???

There's such a thing as lies...and also, half truths....

A few days ago... I confirmed that half truths are more dangerous than lies...
With lies kasi...outright, kapag nalaman mong "lie"...itatapon mo na.... Pero ang isang kasinungalingan, kapag nalaman mong may bahid ng katotohanan, PANINIWALAAN MO pati yung kalahating kasinungalingan.

Too, the same few days ago, I found out that the passion for telling the truth has its own disadvantages.
Di ba, whatever you do, you should accept the consequences???? Yun!!! If you truly, explicitly, but negligently TELL THE TRUTH...you'd have to take the bitter consequences of it.

The TRUTH does LIE....
amongst ourselves..............
  

Posted at 11:00 by MonJ
Make a comment  




Monday, March 24, 2008
Amazing li'l boy



Monday, March 17, 2008
OFFERED

Maayos naman ako dito sa office...
Tahimik na nagtatrabaho.
Medyo kulang sa challenge, pero okay na din kasi "less pressure"...unlike my previous job na iniintindi ang staff...ngayon, ako ang staff...masarap din sa pakiramdam na pagsakay ko pauwi...pwede muna kalimutan ang trabaho...

Yun.

kung may hinahanap man ako para ma-satisfy...eh, yung hamon na "may mararating" ang mga kilos ko sa office.

Eto ngayon...dumating ang isang palaisipan....

May tumawag sa akin...."gusto mo dito sa amin?"
Isang American firm.
Nagka-problema sila last year. Malaki.
Pero I heard, and they say..."slowly recovering" na.
In fact, additional hands will make things better quickly.

Kakainis...kapag dumating ang offer sheet...I'm sure I will be choosing between two very good jobs.

Haaay!!!!

Posted at 09:54 by MonJ
Comment (1)  




Tuesday, February 26, 2008
M E D Y O M A G U L O A H ! ? ? ! ! ? ?

Ang ingay . . . lahat may gusto sabihin. . . sabay-sabay kung magsalita, wala naman interesado makinig. . . ha a ay y ! ! ! !

Ano kaya? Wala naman pamalit....baka mainam, alisin na lang sa katungkulan yung mga anak....saka kasuhan yung asawa....

Sa totoo lang, yan lang matinding parusa na...aba, hindi madali ang akusahan ang sariling asawa....at impossible naman pumayag kasuhan ang anak...anak yata yan....

Kaya nga mas tatahimik siguro kung KASUHAN NA LANG ANG ASAWA, AT PATIGILIN NA ANG MGA ANAK SA KANILANG TRAB AHO ! ! !

Posted at 09:13 by MonJ
Make a comment  




Tuesday, February 12, 2008
Jichael Mackson

Naumpisahan na pala ang pag-gawa ni Mike J. ng bagong THRILLER.

Kung magka-trabaho ulit sila ni Quincy J., palagay ko maganda yan... may bago kayang "moves' ?????

Posted at 12:18 by MonJ
Make a comment  




Previous Page Next Page



MonJ
September 10th
Male
Metro Manila
oist! heard that?!?!?!?


   





<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31






Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed