Entry: Araw ng Kalayaan Thursday, June 11, 2009



Bukas araw ng Kalayaan.

Malaya ba ang pakiramdam mo kung di ka na sinasabihan ng magulang mo na magmano sa mga tamang pagkakataon?

Malaya ba sa pakiramdam ang pagtatapon ng plastik ng basura sa mga kailugan?

Sarap ba ng kalayaang hindi na obligasyon para sa iyo ang bumoto ng tamang pinuno?

Eh yung paggamit ng papel ng opisina para sa assignment ng anak mo?

Kalayaan bang matatawag na pwede kang magsisigaw sa kakalsadahan laban sa mga namumunong hindi nabibilang sa partido mo?

Kalayaan nga ba na sobrahan mo ang pasahero ng bangka mo, para marami din ang sobrang bayad sa iyo?

Sarap bang may kalayaan kang hindi pumasok sa skuwela, at magbilyar na lang sa kabilang kanto?

Nasisiyahan kaya ang mga taong malayang mamasyal sa iba't ibang panig ng mundo, makaraang itabi ang pera ng mga naloko niyang magbayad ng serbisyong hindi naman niya pala ibibigay?

At dahil malaya kayong nakapaniningil sa mga mag-aaral ng kung anu-anong hindi naman maunawaan?

Tumawid sa lansangan kahit di naman tawiran...walang resibo para sa bagay na naitinda...pambubugbog ng napagbibintangan ng krimen...

KALAYAN ba yan?

KALAYAAN BANG MATATAWAG ANG ABUSUHIN ANG KALAYAANG KINAMIT NG MGA NAUNANG HENERASYON?

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments